BENTANG-BENTA na naman sa madlang pipol ang bagong hugot ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagdiriwang ng kanyang 31st birthday.
In fairness, madaling-araw pa lang kanina ay sandamakmak na ang bumabati kay Mayor Vico kaya naman maaga lang ay nagbigay na siya ng kanyang birthday message.
Sa Facebook idinaan ng alkalde ang mensahe ng pasasamat para sa lahat ng bumati sa kanya.
“Maraming salamat po sa lahat ng bumati at sa mga babati pa lang!
“Sa mga nagtatanong kung ano ang gusto kong regalo, bumili na lang po kayo ng grocery foodpack at ipamigay sa nangangailangan (pwede nyo i-drop off sa RED o sa mayor’s office; kung ano ang mas convenient),” simulang pahayag ni Vico.
Hirit pa niya, “Pakiusap na wala munang celebration o surprise party.
“Hindi naman ako mahilig sa party at higit pa rito, bawal pa ang mga mass gathering.. buhay na buhay pa si Covid mga kaibigan!
“Papunta na po akong opis ngayon. Kung may binabalak kayo, itigil niyo na yan!” ang tila pagbibiro pang mensahe ng alkalde.