‘Tama si Frankie, ang rapist ang dapat turuan ng leksiyon at parusahan!’ 

Ben-Frankie

MAY pinagmanahan si Frankie Pangilinan. 

Totoong-totoo ang kasabihan na kung ano ang nakikita ng mga bata sa ginagawa ng matatanda ay ganu’n din ang kanilang ginagawa at pinaiiral.

    Hindi na puwedeng paupuin lang sa isang sulok si Frankie, sa kanyang kasibulan ay mulat na siya sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran, nakikilahok talaga siya sa mga usapin sa lipunan.

    Pinuri siya ng kanyang ina, ayon kay Sharon Cuneta ay tama lang ang ginagawang pakikipag-argumento ng kanyang anak, lalo na’t mayorya naman ang makikinabang sa kanyang ipinaglalaban.

    At tama naman talaga si Frankie sa pagsasabing bakit kailangang ang mga kababaihan ang turuan kung paano sila mananamit nang wasto para hindi sila nagagahasa?

    Bakit hindi ang mga rapist ang turuan ng leksiyon, ang parusahan, para matigil na ang pangsasalahula nila sa mga kababaihan? 

Ano ang karapatan ng mga rapist na magdikta sa kung anong damit ang isusuot ng mga babae?

    Ang mga hayok, kahit pa balot na balot ang katawan ng babae ay utak-demonyo pa rin, wala ‘yun sa damit ng babae kundi sa udyok ng laman ng rapist na manggahasa.

    Humingi na ng paumanhin ang pulis na nagsabing dapat, manamit nang maayos ang mga kababaihan para hindi sila

Read more...