Magaling na male singer ipina-ban sa musical show ng TV network; wala raw utang na loob | Bandera

Magaling na male singer ipina-ban sa musical show ng TV network; wala raw utang na loob

Cristy Fermin |June 17,2020
facebook
share this

Magaling na male singer ipina-ban sa musical show ng TV network; wala raw utang na loob

Cristy Fermin - June 17, 2020 - 10:48 AM

NALAGAY sa isang alanganing sitwasyon ang isang magaling na male singer na palaging napapanood sa isang musical show ng isang network.

    Hindi na siya kabilang ngayon sa mga singers ng show, maraming nanghihinayang sa kanya, dahil hindi man siya kasingsikat ng ibang male performers ng programa ay maaasahan siya dahil maganda talaga ang kanyang boses.

    Kuwento ng isang source, “Hindi naman totoong wala siyang utang na loob sa network, in fact, sobra-sobra nga ang pasasalamat niya dahil naging regular siya sa musical show.

    “Mali lang ang mga kuwentong nakarating sa mga namamahala ng show, idiniin siya, hindi man lang inalam ng mga taong ‘yun ang puno at dulo ng pangyayari,” unang chika ng aming impormante.

    Nagsisimula pa lang na magkaroon ng problema nu’n ang kanyang istasyon, may nakakuwentuhan ang male singer na kapwa singer din niya, meron palang nakapag-tape ng usapan nila.

    Patuloy ng aming source, “Mahaba ang usapan nila, nandu’n siyempre ang wish nilang matapos agad ang problema ng istasyon nila, pero hindi ‘yun ang nakarating sa mga bossing ng show.

    “Parang lumalabas na wala siyang pakialam sa problema ng network, na parang okey lang sa kanya ang sitwasyon, samantalang ganu’n na lang ang concern niya na sana, maging maayos agad ang problema.

    “Kulang-kulang ang mga kuwentong nakarating sa production, pinalabas siyang walang utang na loob, parang pinalabas pa ngang okey lang sa kanya kung anuman ang mangyari sa istasyon nila!

    “May tumawag sa kanya, banned na raw siya sa musical show, hindi na siya kasama sa mga performers. Natural, nalungkot ang male singer, bakit bigla na lang siyang tinanggal nang hindi man lang siya kinakausap para maipagtanggol niya naman ang sarili niya!

    “Nakakalungkot nga naman ang ganu’n, sayang na sayang siya, ang galing-galing pa naman niyang singer! 

“Naku, sumigaw na lang siya ng ‘Darna!’ Baka magbago pa ang sitwasyon!” nanghihinayang na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending