OFWs na nahawa ng COVID lagpas 6K na

LUMAGPAS na sa 6,000 mark ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nadagdagan ng 455 ang bilang ng mga OFW na naiulat na nahawa ngayong araw.

May kabuuang bilang ng 6.021 ang OFW na nahawa ng COVID-19.

Nadagdagan naman ng 336 ang bilang ng mga gumaling na sa sakit. May kabuuang bilang na itong 2,833.

Mas marami na ang bilang na ito sa 2,746 na nasa ospital.

Nadagdagan naman ng 16 ang bilang ng mga nasawi kaya umakyat sa 442 OFW ang kabuuang bilang ng nasawi.

Read more...