Cash reward sa makapagtuturo sa tumambang sa mayor ng Teresa

NAG-ALOK ng pabuya ang Rizal Provincial government sa makapagtuturo sa tumambang kay Teresa Mayor Rail Palino kahapon.

Hindi naman tinukoy ng pamahalaang Panlalawigan ng Rizal kung magkano ang reward.

Mariing kinondena ng probinsya ang pagtatangka sa buhay ni Palino. Nagpasalamat naman ito at nakaligtas ang alkalde.

“Ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal ay naglaan po ng cash reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at agarang paghuli sa mga ito.”

“Makipag-ugnayan po lamang sa kapitolyo o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.”

Dalawang kasama ng alkalde ang sugatan sa pangyayari.

Read more...