3 huli sa buy-bust

ARESTADO ang tatlong lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina David Leuterio, 32, ng Brgy. Holy Spirit, Richard Rivera, 32, at Rogie Managaytay, 29, mga taga-Brgy. Pasong Tamo.

Nakabili umano ang poseur buyer ng shabu sa mga suspek alas-9:30 ng gabi sa Kangkongan st., Luzon Avenue, Brgy. Pasong Tamo.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano sila ng 11 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600.

READ NEXT
NBA restart
Read more...