RYZZA MAE binara-bara ng studio audience sa EAT BULAGA, tinawag na malanding bata


Napanood namin ang pinag-uusapang kalokahan ni Ryzza Mae Dizon nang ipamigay nito sa isang member ng audience ang cash prize ng look up winner sa show niya recently.

Matabil ang dila ng contestant dahil binabara-bara nito si Ryzza. Ito naman kasing si Ryzza, naging taklesa rin. Sukat ba namang sabihin niyang the female contestant looks 32 years old gayong 22 years old lang ito.

Ayun, tila gumanti ang contestant dahil sinabihan niya ng, “Landing bata nito!” si Ryzza nang matanong siya ng youngest TV host kung may boyfriend na siya.

“Meron, bakit aagawin mo?” halatang nariritang sabi ng female contestant kay Ryzza. Nang pabunutin ng prize ang contestant ay nagpaeklay pa ito na kung puwede ay si Ryzza na lang ang kanyang premyo.

Dahil siguro doon,  ayun, ipinamigay ni Ryzza ang P2,000 prize niya sa isang elderly na nasa audience. Actually, may pagkamahadera ang female contestant at parang walang breeding kung magsasagot sa tanong ni Ryzza.

Parang palengkera ang peg niya. Ayan tuloy ang napala niya, ang prize niya napunta tuloy sa iba. Nganga! Ha-hahaha! Pero for us, hindi dapat patulan ng girl si Ryzza, dapat hindi siya napikon sa bata dahil ‘yun ang peg ng kanyang pagiging segment host ng Eat Bulaga.

( Photo credit to Google )

Read more...