OFWs na nahawa ng COVID nadagdagan ng 25, nasawi tumaas ng 17

TUMAAS ng 25 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs may kabuuang bilang na 5,566 OFW na ang nahawa ng naturang sakit.

Anim naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Umakyat na sa 2,497 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Labing-pito naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na may kabuuang bilang na 426.

“Based on the latest figures, the Middle East remains to have the highest number of recorded Filipinos infected with COVID-19 at 3,446 as well as highest total recoveries and total patients undergoing treatment at almost 1,400 and almost 1,900, respectively,” saad ng DFA.

Read more...