2 lugar sa QC isinailalim sa special concern lockdown

INILAGAY ng Quezon City government sa special concern lockdown (SCL) ang dalawang lugar matapos na tumaas ang bilang ng coronavirus disease 2019.

Tinukoy ni Assistant City Administrator Alberto Kimpo ang mga lugar na ito na 138 Ermin Garcia st. at 52 Imperial st., parehong nasa Brgy. E. Rodriguez.

“From two active cases, the number of COVID-19 cases in these two areas went up to 15, this came after Metro Manila eased into general community quarantine,” ani Kimpo.

Nauna dito ay ang-request ang Brgy. na isailalim sa SCL ang mga lugar na nabanggit at pinagbigyan ito matapos na makumpirma ang datos.

“Due to the seriousness of the situation, we immediately put these places under SCL, and seek the national government’s concurrence,” saad ni Kimpo.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, pinuno ng QC-ESU ng QC Health Department, magsasagawa ang ahensya ng rapid diagnostic testing (RDT) sa lugar.

“Confirmatory tests will follow once we get the RDT results,” ani Cruz.

Pinag-aaralan naman ng city government ang pagsasailalim sa SCL ng Cadena de Amor st., sa Brgy. Central matapos magpositibo sa rapid test ang tatlong residente sa lugar mula sa dalawang bahay.

“The patients are under home quarantine and have been swabbed for confirmatory testing,” dagdag pa ni Kimpo.

Sa kasalukuyan nasa ilalim ng SCL ang Sitio Militar sa Brgy. Bahay Toro, Calle 29 sa Brgy. Libis, at Kaingin Bukid sa Brgy. Apolonio Samson.

Read more...