Frankie pinagsabihan ni Lolit sa pagkontra kay Tulfo; netizens umalma

Ben-Frankie

BINARAG-BARAG si Lolit Solis nang magbigay ng unsolicited advice kay  Frankie Pangilinan dahil sa palitan nito ng opinion kay Ben Tulfo about rape.

Pinalagan ni Frankie ang “Hija, a rapist or a juvenile sex offender’s desire to commit a crime will always be there. 

“All they need is an opportunity, when to commit the crime. Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast,”  comment  ni Ben.

“Rape culture is real and a product of this precise line of thinking, where the behavior is normalized, particularly by men.

“The way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever. calling me hija will not belittle my point,” sagot ni Frankie.

On her Instagram post, tila kinampihan ni Aling Lolit si Ben, “Bongga mga kabataan natin ngayon ha. Like si Frankie Pangilinan na anak nila Sharon at Kiko Pangilinan. Wow ang mga dialogues nila ni Ben Tulfo tungkol sa issue ng rape. 

“Magaling na open ang pagsali ng mga youngster ngayon sa mga relevant issues, patunay na nasusundan nila ang mga nangyayari sa paligid.

“Nasasabi nila ang nasa loob nila, open sila sa discussion, pero sana alam din nila ang mga parameters, mga bagay na dapat muna nila aralin mabuti bago makipag-sagutan. 

‘Puwede hindi kayo pareho ng idea, puwede hindi mo gawin, pero dapat lang irespeto mo iyon sinasabi ng mas matanda sa iyo.

“Hindi din maganda na masyado kang open sa diskusyon, kasi nga sabi nila hindi pa rin puwede tawaran ang wisdom ng mas matanda sa iyo. Ok lang, at least i voice out mo iyon panig mo pero maintain mo iyon respect mo sa mas matanda sa iyo.

“Bongga mga kabataan ngayon, mas expressive sila. I think mas maganda, iyon nga lang maintain nila iyon respect for the elders,” say ni Aling Lolit.

“Just because she voices her opinions di meaning na walang respeto sa matatanda. Pinaandar mo nanaman yung against mo kay Sharon. Bakit di mo na pansin yung good qualities niya. She is a very loving sister kahit na sa adipted brother niya.

“Kahit sa mga kasambahay… She can voice her opinion. Di naman bastos o walang respect mga points niya. Valid naman. Ikaw kasi Lolit pag ayaw mo sa ibang artista, palaging pasimple ang atake mo. Paano naman kasi 72 ka na, may favoritism ka pa. AMININ.”

“Hindi lahat ng elders tama ang opinion…katulad ng opinion ni ben tulfo walang masama icorrect ang baluktot na pananaw. Ang rapist walang pinipiling kasuotan yan kahit mga murang edad pinapatos at walang awang ginagahasa. Now tell me dpat bang erespesto ganon klaseng tao kramihan gumagawa nyan matatanda na.”

“Frankie is witty, intelligent, smart and talented. Vocal lang siya on certain issues which she believes in. That does not mean walang respect sa matatanda. Can you please point out kung sa tingin mo anong basis mo para i remind about respect sa matatanda. And i will say na congratulations to Kiko and Sharon…. Di mo man lang nakita good points. HINANAPAN MO NG MALI NA DI MO ALAM ISSUE.”

“Ang respeto wala sa edad din Hindi lahat Ng matanda karespe respeto.”

Read more...