PATULOY pa ring tinututulan ng ilang celebrities ang pagsasabatas ng anti-terrorism bill dahil sa ilang hindi makataong probisyon na nakasaad dito.
Isa sa naging very vocal sa pagkontra sa nasabing panukalang-batas ay ang Kapuso star na si Janine Gutietrez.
Humanga ang marami sa tapang at paninindigan ni Janine dahil hindi lang siya puro salita, kundi maging sa gawa ay ipinakikita niya kung ano ang kanyang paniniwala.
Matapang na nakiisa si Janine sa mga nagsagawa ng anti-terror bill na tinawag nilang “mañanita party.” Inspired daw kasi ito sa idinaos na pagtitipon para sa pagse-celebrate ng birthday ni NCRPO chief Gen. Debold Sinas na nangyari during the enhanced community quarantine sa bansa.
Isa si Janine sa daan-daang Pinoy na lumahok sa rally noong Independence Day (June 12), kasama ang nakababatang kapatid na si Maxine.
Ipinost pa ni Janine ang piktyur nila ng kanyang sister na kuha sa rally na ginanap sa Diliman, Quezon City campus ng University of the Philippines.
Ito ang caption ni Janine sa kanyang IG post, “Happy manañita, Philippines! We love you so much it hurts.”
Matapang naman na sinagot ni Janine ang ilang followers niya na kumukuwestyon sa kaalaman niya tungkol sa content ng anti-terrorism bill.
“On the contrary, has actually read the bill, attended talks and webinars about its inclusions led by senators and lawyers, asked questions, discussed it with my friends, and sent letters to my house representative and discussed it with a congressman,” panonopla ni Janine sa netizen.
Hindi raw siya magsasalita tungkol sa isang bagay na hindi niya pinag-aralan, “I would never tell anyone what to think but I do urge everyone to make an informed decision for themselves as well,” sabi pa ni Janine.
May nag-post din ng comment sa post ni Janine na, “It’s anti-terrorism bill po not terror bill…please do not mislead people. I know hindi ako kawalan sa IG but I’m unfollowing you.”
Reply ni Janine, “I know what the whole title is, just using the hashtag.”
Dahil sa napaka-open na views sa political issues ng bansa, may mga nag-aalala sa showbiz career ni Janine.
Baka raw hindi na panoorin ang kanyang mga palabas sa GMA 7 at mga pelikula. At baka pati mga product endorsements niya ay maapektuhan din.
Bukod sa mga projects niya sa GMA, ang alam namin ay may pelikula rin si Janine with Paulo Avelino na magiging bahagi sana ng kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival nitong nagdaang April.
Ang title ng movie ni Janine with Paulo ay “Ngayon Kaya” produced by businessman Rex Tiri of T-Rex Entertainment and directed by Prime Cruz. Hopefully, matuloy pa rin ang summer filmfest kahit tapos na ang summer.
Personally, we want to watch and see kung may chemistry din sina Janine at Paulo on screen. And also, the beautiful story and script ng “Ngayon Kaya” na isinulat ni Jen Chuaunsu.
We heard, sobrang kakaiba raw ang “love story” nina Janine at Paulo sa movie at marami ang makaka-relate.
Hopefully, buksan na muli ang mga sinehan but of course with proper precautions and safety measures.