Duterte maglalabas ngayong gabi ng desisyon kung mananatili ang umiiral na GCQ sa NCR

President Duterte

NAKATAKDANG maglabas ngayong gabi si Pangulong Duterte kung magpapatuloy ang umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sa isang briefing, sinabi ni Presideti Spokesperson Harry Roque na maraming lokal na pamahalaan ang umapela sa Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa mga naunang deklarasyon sa kani-kanilang lugar.

“As we speak po, nagpupulong po ngayon ang IATF para bigyan ng desisyon iyong mga apela ng ibang mga local government units doon sa classification na nirekomenda ng IATF para sa kanila,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque na nag-apela ang Quezon na maging GCQ mula sa modified general community quarantine (MGCQ) samantalang nais namang bumalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng Cebu City mula sa kasalukuyang GCQ.

“May apela rin po na mag-GCQ itong mga lugar na ito ‘no – Abra, Apayao, Caraga Region at Lanao Del Sur. Now, mayroon din pong ibang apela naman na para sa de-escalation, ibig sabihin siguro from GCQ gusto nilang maging MGCQ. Ito po iyong mga lugar na Dagupan City, Batanes, Davao De Oro, Davao Del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, Davao Del Sur,” ayon pa kay Roque.

Nais namang maging MGCQ ng Angeles City, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Cavite at Cebu mula sa GCQ.

“Mamaya po kapag nag-anunsyo na ang President, kasama na po sa iaanunsyo niya kung ano ang naging pasya at rekomendasyon ng IATF dito sa mga apelang ito,” ayon pa kay Roque.

Read more...