Cast ng Probinsyano, Magandang Buhay hosts nagpa-COVID test na

SUMAILALIM sa COVID-19 rapid test ang ilan sa mga Kapamilya stars na nagbalik-trabaho na rin ilang linggo matapos maipatigil ang operasyon ng ABS-CBN.

Bukod sa It’s Showtime, ASAP Natin ‘To at iba pang bagong programa sa Kapamilya Channel, mapapanood na muli ang morning show na Magandang Buhay at ang action series ni Coco Martin na Ang Probinsyano.

Bilang pagsunod sa GCQ (general community quarantine) guidelines sa Metro Manila at sa safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan, nagpa-rapid test  na ang ilang cast members ng Ang Probinsyano at ang hosts ng Magandang Buhay.

Sa kani-kanilang Instagram account, ibinalita nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na nagpa-COVID test na sila kung saan nakasabay nga nila sina Coco, Shaina Magdayao, Raymart Santiago, John Prats at Michael de Mesa.

Caption ni Karla sa ipinost niyang litrato sa IG, “At handa na kaming magpasaya at magbigay muli ng inspirasyon simula na sa bukas!!! Magandang Buhay at Ang probinsyano. kitakits mga momshie!!!”

Samantala, balitang hindi muna ni-lock in sa isang lugar ang mga artista ng Probinsyano para sa pagbabalik-taping ng serye. 

Ilang staff and crew naman ng action series ni Coco ang mananatili umano sa tinatawag nilang “isolation hotel” matapos sumailalim sa COVID-19 rapid test.

Hihintayin daw muna ng production ang magiging annoucement ni Pangulong Rodrigo Duterte kung mananatili ba sa GCQ ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa o ibabalik sa ECQ. Sakali kasing bumalik sa ECQ ang NCR ay ipagbabawal muli ang taping at shooting ng mga pelikula at TV show.

Read more...