Buy local makakatulong sa pagbangon ng bansa

Buy local

MALAKI umano ang maitutulong sa pagbangon ng bansa ang pagbili ng lokal na produkto.

Ayon kay Las Piñas Rep. Camille Villar kailangang mabuhay ang Micro, Small and Medium enterprises sa bansa kung saan nagtatrabaho ang nakararaming Pilipino.

At kailangan din umano na tulungan ng gobyerno ang mag MSMEs na naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni Villar na dapat lakasan ng Small Business Corp. (SB Corp.) ang kampanya nito para sa pagpapautang sa maliliit na negosyo. Ang SB Corp., ang financing arm ng Department of Trade and Industry.

“The role of SB Corp. is very important in jumpstarting our economy because more than 95% of businesses in the Philippines are MSMEs so we really need to help them. I believe they are the most affected,” ani Villar.

“With regard to disseminating information, parang hindi masyadong maganda ‘yung awareness about this program which is very helpful sana to our constituents,” dagdag pa ng lady solon.

Dapat umanong tiyakin ng gobyerno na mayroong pondo para sa pagpapautang para mapigilan ang pagsasara ng mga ito.

Read more...