‘Hindi pwedeng buruhin ang Kapamilya stars, tuluy-tuloy na ang trabaho’

Coco

MARAMING programa na ng ABS-CBN ang muling nagbabalik sa himpapawid sa pamamagitan ng kanilang bagong Kapamilya Channel.

    Hindi naging simula at wakas ng trabaho ng mga artista ng network ang pagpapasarado sa kanilang istasyon, nakahanap pa rin sila ng paraan, para makapagpasaya sa kanilang mga tagasuporta.

    Napapanood na uli ang ASAP Natin ‘To, nakabalik na ang It’s Showtime, bukas ay magsisimula na rin ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyanong pinagbibidahan ni Coco Martin.

    Nalulungkot lang ang kanilang mga tagapanood mula sa malalayong probinsiya, nasanay na silang sa isang click lang ay nandu’n na agad ang mga paborito nilang programa sa free channel, hindi tulad ngayon na may kailangan pa silang bilhing box para lang makapanood.

    Pero isang senyal ito na hindi puwedeng buruhin ng pagpapasarado ng istasyon ang kanilang mga artista, palaging may paraan, na hindi na saklaw ng kinukuwestiyong prangkisa ng network.

    Tuloy ang ligaya, nasa himpapawid na uli sila, hindi man tulad nang dati na malayang-malaya silang napapanood ay puwede na rin ang ganitong paraan habang naghihintay sila sa pagdinig tungkol sa prangkisa ng network para makaarangkada na uli sila.

Read more...