4 arestado sa P170K shabu

Jail

KALABOSO ang apat katao na nakuhanan umano ng P170,000 halaga ng shabu sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Anthony Araullo, 49, Emerson Imperial, 42, Elena Garcia, 49, mga taga-Maynila, at Edison Quison, ng Brgy. Saint Peter.

Isang impormante umano ang tumimbre sa pulisya kaugnay ng iligal na aktibidad ng mga suspek.

Alas-9:30 ng gabi ay nakabili umano ang poseur buyer ng P5,000 halaga ng shabu sa mga suspek sa kanto ng A. Bonifacio at Catalina st., Brgy. NS Amoranto.

Nang mahuli ay narekober umano sa kanila ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000, isang digital weighing scale at motorsiklo.

Si Quison ay dati na umanong nakasuhan kaugnay ng ipinagbabawal na gamot.

Read more...