Frankie kinontra si Ben Tulfo sa isyu ng rape; binanatan ang mga manyak
“STOP teaching girls how to dress, teach people not to rape!”
Yan ang bwelta ni Frankie Pangilinan sa radio anchor na si Ben Tulfo na naniniwalang natutukso umano ang ilang rapist dahil sa seksing pananamit ng mga babae.
Isa ang anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa mga nag-react sa pahayag ng isang police station sa Quezon province na nagpaalala sa mga kabataang babae na hangga’t maaari ay iwasan nang magsuot ng seksing damit para makaiwas sa pambabastos.
“Kayo naman mga ghErlsz, wag kayo magsuot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin,” ang sabi sa Facebook post ng nasabing police station na deleted na ngayon.
Sinagot naman ni Ben Tulfo ang tweet ni Frankie at sinabing natutukso ang isang rapist kapag ang isang babae’y nakausot ng seksi.
“Hija @kakiep83, a rapist or a juvenile sex offender’s desire to commit a crime will always be there. All they need is an opportunity, when to commit the crime.
“Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast,” ang sagot pa ni Ben sa tweet ni Frankie.
Mababasa rin sa Facebook page ng TV host ang sagot niya sa opinyon ni Frankie kasabay ng pagsasabing ang tatay niyang si Sen. Kiko ang “author ng Juvenile.
Bahagi ng FB post ni Ben, “(Batang-bata ka pa para malaman mo ang mundo).
“Hija, iba mag-isip ang mga manyakis at mga rapists. Hindi natin sila matuturuan at mababago ang kanilang pagnanasa at pagiging kriminal.
“Ang tanging magagawa ay manamit ng tama. Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito ang iyong magagawa.
“Bago natin sila baguhin, baguhin muna natin ang sarili’t pag-iisip natin. Gets mo Hija? Tatay mo ang author ng Juvenile Law.”
Ito naman ang sagot sa kanya ni Frankie, “The whole point is ‘the beast’ shouldn’t exist, not even for the sake of misplaced masculine insecurity.”
“The way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever. #hijaako.”
“Rape culture is real and a product of this precise line of thinking, where the behavior is normalized, particularly by men.
“The way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them ever. Calling me hija will not belittle my point,” pahayag pa ni Frankie.
Ni-repost din ni Frankie ang banat sa kanya ni Ben sa Facebook at nilagyan ng mensaheng, “The way he was braver on fb because he knows i’m not on there.”
“Breaking news: my clothing is NOT my consent.
“Threatening to r*pe me or hoping i’m r*ped in order to somehow justify that victims are to blame — that’s the real brain cell gap right there lmaooo #HijaAko.”
Samantala, dahil sa katapangan ni Frankie maraming mga biktima ng pang-aabuso ang lumantad. Mensahe sa kanila ng dalaga, “Mga hijo at hija, salamat sa mga DM ng inyong mga kwento. kahanga-hanga ang katapangan ninyo.
“You are bigger than your abuse and much stronger than your abusers don’t let ANYBODY tell you different,” ani Frankie kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng nag-message sa kanya sa Twitter.
“For those of you still finding the strength to speak out, I believe in you. I love you. there is so much power in your silent bravery,” mensahe pa ni Frankie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.