60-anyos, 7 pa huli sa shabu

ARESTADO ang 60-anyos na lalaki at pitong iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.

Si Jose Guevarra, ng Brgy. Kruz na Ligas, ay naaresto umano sa buy-bust operation ng Anonas Police alas-8:30 ng gabi sa tricycle terminal sa Kabalitang st., Brgy. Kruz na Ligas. Nakumpiska umano sa kanya ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P30,600.

Naaresto naman ng La Loma Police si Denmark Pariente, 26, ng Caloocan City, alas-9 ng umaga kahapon.

Dumaan umano sa quarantine checkpoint si Pariente sa Brgy. Apolonio Samson. Nang titignan ang mga dala ito ay tumakbo umano ang suspek kaya hinabol ito ng otoridad. Nakuha umano sa suspek ang P3,400 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng Batasan Police sa buy-bust operation sina Rahma Datu-Oto, 40, Arnold Joson, 56, at Alvin Joson, 37, ala-1 ng hapon kahapon sa BF Rd., Brgy. Holy Spirit. Nakumpiska umano sa kanila ang 11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P78,800.

Nasakote naman ng Cubao Police sina Reynaldo Malillin, 38, Geraldo Teves, 30, at Joel Encilla, 37, alas-11 ng umaga sa Golan Alley malapit sa C. Benitez st., Brgy. San Martin De Porres, Cubao.

Narekober umano sa kanila ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P8,160.

Read more...