Derek Ramsay may ipinasilip sa publiko; mga beki nagpiyesta 

PINAGPIYESTAHAN ng netizens, lalo na ng mga beki ang litrato ni Derek Ramsay kung saan ipinasilip niya ang kanyang pwet.

Pero agad nilinaw ng Kapuso hunk actor na hindi niya ito ipinost sa social media para lang magpapansin o makakuha ng atensiyon mula sa publiko para mapag-usapan lang.

Aniya, mas mas malalim na dahilan kung bakit niya naisipang ipost ang nasabing black and white photo kung saan kita nga ang kanyang butt kasama isa pang lalaking nakatalikod din na wala ring takot na nagpasilip ng pwet. 

Caption ng boyfriend ni Andrea Torres sa kanyang IG post, “I love this photo because it is so real and was taken during the days when social media didn’t dictate our lives.

“This photo was taken for memories of good times and not for the attention and number of likes,” aniya pa kasabay nga ng paalala sa kanyang followers na huwag hahayaan ang social media na siyang pagpapatakbo sa kanilang buhay.

“Go out and enjoy life, be real and don’t let social media control you from being who you really are.

“Don’t worry about being judged instead focus on creating real and genuine moments with friends and family, and yourself,” mensahe pa ni Derek.

Kamakailan, inamin ng Kapuso actor na nakararanas din siya kung minsan ng anxiety attacks dahil sa napakahaba nang community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19.

“I’ll be honest, I’m not gonna say it’s easy. It’s really tough. You just really have to focus, it’s a time for reflection. 

“It’s a time to realize things that you know, that maybe we’ve been prioritizing the wrong things in our lives. We’ve really forgotten what life is really about,” aniya sa isang video na ipinost niya sa IG recently.

Aniya, napakarami niyang realizations habang naka-stay at home lalo na sa usapin ng pamilya, pananampalataya, mental health at pakikipagkapwa-tao.

 “Times like these are a reminder. A tap on the shoulder saying, hey, we need to focus on what matters most. 

“Our health. Our safety. The welfare of our families. All of which are ensured by tireless frontliners who put themselves on the line,” pahayag pa ni Derek. 

Read more...