SWS: 9 sa 10 Pinoy na-stress sa COVID-19 crisis

Lockdown

SIYAM sa 10 Filipino ang na-stress dahil sa coronavirus disease 2019 crisis.

Ayon sa mobile phone survey ng Social Weather Station, 55 porsyento ang nakaranas ng “napakalaking” stress at 34 porsyento ang nakaranas ng “medyo malaking” stress.

Halos walang stress naman ang naramdaman ng pitong porsyento at walang stress ang pangyayari sa apat na porsyento.

Pinakamataas ang stress na naramdaman ng mga tao na may trabaho pero walang tinatanggap na suweldo at mga tao na nawalan ng trabaho.

Pinakamataas ang stress sa Visayas na naitala sa 63 porsyento, sumunod ang Metro Manila (58 porsyento), Mindanao (55 porsyento) at iba pang bahagi ng Luzon (51 porsyento).

Kinuha sa survey ang opinyon ng 4,010 respondents mula Mayo 4-10.

Read more...