Umibig sa txm8 | Bandera

Umibig sa txm8

Joseph Greenfield - August 17, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Vina, ng Barangay Bual Sur, Midsayap, North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
NAGKITA na rin  kami ng txm8 ko at sa unang pagkikita pa lang namin ay masasabi kong umibig na ako sa kanya. Kaya naman, pagkatapos naming kumain sa restaurant sa Davao City ay nagpunta kami sa pribadong lugar at nakuha niya ang aking pagkababae. Hindi ko nga po maisip kung bakit ubod nang bilis ang pangyayari, basta ang alam ko minahal ko na agad siya sa oras at araw na iyon. Ang gusto ko lang pong malaman ay kung kami na po ba ang magkakatuluyan at kung compatible ba kami? October 11, 1990 ang birthday ko at September 12, 1989 ang birthday ng txm8 ko, na boyfriend ko na ngayon.  Balak uli naming magkita. Siya na kaya ang soulmate ko at kapag kami ang nagkatuluyan, magiging maligaya at magiging panghabambuhay na kaya ang pagsasama namin?
Umaasa,
Vina, ng Barangay Bual Sur, Midsayap, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Posibleng ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong soulmate, ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung siya ang una mong boyfriend at may nangyari na nga sa inyo pagkatapos ay lalong lumalalim ang inyong relasyon at lalo kayong napapamahal sa isa’t isa, walang duda, kayo na nga ang magka-soulmate at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Cartomancy:
Two of Hearts, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ang boyfriend mo ay medyo payat, na mas matangkad sa iyo, na neat o mahusay magdala ng damit, habang ikaw naman ay medyo chubby na maliit, tulad ng nasabi na, walang alinlangan—kayo na nga ang magka-soulmate.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending