NIYANIG ng magnitude 3.7 lindol ang Surigao del Norte kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:08 ng umaga.
Ang epicenter nito ay walong kilometro sa kanluran ng San Francisco (Anao-aon). May lalim itong 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Surigao City at Intensity II sa San Francisco, Southern Leyte.
Naitala naman ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity III sa Surigao City.
MOST READ
LATEST STORIES