Sa wakas, Iza nakapag-donate na rin ng plasma para sa COVID patients: Such an emotional moment…

NAKAPAG-DONATE na rin sa wakas ng plasma blood si Iza Calzado na gagamitin para sa mga pasyenteng patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.

Isa si Iza sa mga celebrities na gumaling matapos dapuan ng killer virus ilang buwan na ang nakararaan. 

Kaya naman, nais niyang makatulong sa iba pang nahawaan ng sakit sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo na nagtataglay na ng antibodies na maaaring gamitin sa isang pasyente para makontrol ang pagkalat ng virus sa katawan nito.

Ipinost ni Iza sa Instagram ang kanyang litrato habang hawak ang bag ng kanyang plasma blood na mapupunta sa Philippine General Hospital.

Kuwento ni Iza, natagalan ang pagdo-donate niya ng dugo, “after failing several tests to be an eligible plasma donor for COVID-19 because of low hemoglobin levels.”

Pero nito ngang nakaraang Martes, binigyan na siya ng clearance, “I never knew that giving my blood would be such an emotional moment for me. 

“Perhaps it’s because, as a COVID-19 survivor, I truly felt that this was one of the most powerful ways I could help my fellow Filipinos during this time.

“As the doctor played ‘Bayan Ko’ my tears and my blood flowed. It gave me so much hope to think that maybe I could help restore someone’s health and that, through our collective efforts, we can restore our country’s well being and make it better. Love and Light!” pahayag pa ng COVID survivor.

Kung matatandaan, tinamaan ng COVID-19 si Iza noong March 28 pero makalipas lang ang ilang araw sa ospital ay negative na ang dalawang test na isinagawa sa kanya.

Bukod kay Iza, ang ilan pang personalidad na nakapag-donate na ng plasma ay sina Christopher de Leon, Sen. Sonny Angara at Sen. Migz Zubiri.

Read more...