Cast ng ‘Probinsyano’ 1 buwan naka-lock in sa Batangas; sasailalim sa COVID rapid test

Coco

WHEN in doubt, ask.

Nagsisilbing gabay na namin ang kawikaang ito sa tuwing may isang bagay na hindi malinaw sa amin. 

We ask people in the know, or are in a position to answer our inquiry.

A case in point ay kung kailan talaga “it’s business as usual” over at ABS-CBN makaraan ng isang buwang pagpapasara nito.

Halimbawa na lang ang FPJ’s Ang Probinsyano na balitang magsisimula nang mag-taping sa Lunes, June 15. ‘Yun nga lang, isang araw bago ‘yon ay magsasagawa muna ng rapid testing ang cast at crew na involved sa production.

Isang buwan din kasing mamamalagi ang produksiyon sa isang undisclosed private resort sa Batangas, kung saan naka-lock in ang balitang may 70 kataong bumubuo nito. As in walang uwian, bawal ding maglagare.

Kung dati-rati’y puwede pang magsama ng PA (personal assistant) o glam team ang isang major cast member ay hindi na ito uubra ngayon alinsunod sa ipinatutupad na health protocol.

Pero kumustahin n’yo ang ibang network-generated stories, sa June 13 naman daw muling mapapanood ang teleserye ni Coco Martin.

Common sense dictates na pulos replays muna ang mapapanood sa CineMo via TV Plus Black Box.

Dahil ayaw naming “makuryente,” we had to ask Aaron Domingo of ABS-CBN Corporate Communications. Binalikan kami ni Aaron only to be told na inaayos pa raw ang schedule, samantalang it’s all over the online news ng network.

Hungry for confirmed news ay nagpadala uli kami ng private message kay Aaron. Aminado kaming nalilito kami as far as dates are concerned.

No reply.

Mabasa-basa na lang namin ay may mga araw na pala kung kailan mapapanood ang ibang programa ng istasyon, even the cable channels where they would air.

Gusto lang naming iparating kay Mr. Aaron Domingo that we’re doing him a favor, in fact. Munting tulong na rin namin ang ianunsiyo ang mga programa nilang pinananabikan nang mapanood uli.

                            * * *                                                                            

We’d like to give credit to TV host Butch Francisco sa impormasyong tatalakayin namin as no one else except him could have provided this piece of news.

Malapit si Butch sa mga senior stars. In fact, he always gets invited sa tuwing magba-bonding ang mga ito on important occasions like birthdays.

Isa rito’y ang 87-year-old na si Gloria Romero fondly called Tita Glo in showbiz circles.

Even before the pandemic ay work from home na ang beteranang aktres, blame in on her vertigo attack late last year kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga pagkaing nagtataglay ng caffeine. But she can eat just as anything.

Masuwerteng kasama ni Tita Glo ang kanyang anak na si Maritess Gutierrez (in her New Manila residence) who’s a good cook kaya hindi uso sa kanila ang umorder online ng makakain.

Sa panahong puro replay sa TV ang napapanood, we see enough of the octogenarian actress sa tatlong palabas ng GMA: Daig Ka ng Lola Ko, Kambal Karibal at Meant To Be.

Sa madaling salita, very much felt pa rin si Tita Glo ke anupamang adjective ang gamitin to describe community quarantine.

                                                                                    

Read more...