Ex-solon itinalaga sa TESDA

ITINALAGA si ACTS-OFW chairman Aniceto ‘John’ Bertiz III bilang Deputy Director General for Operation ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Si Bertiz ang itinalaga ni Pangulong Duterte upang kapalit sa nabakanteng posisyon ni Gladys Fua Rosales na pumanaw sanhi ng coronavirus disease 2019 noong Abril.

“In the face of a looming recession, you and I should think of creative ways not only to save lives but also livelihoods, especially as we anticipate the unprecedented return of overseas Filipino workers (OFWs) who have lost their jobs abroad,” ani Bertiz sa isang pahayag.

“I thank the President for his trust and confidence, and I humbly accept the opportunity to be once again at the service of our nation and our people, especially those who lost their jobs during the pandemic and those returning OFWs.”

Dating kongresista si Bertiz na pangunahing may-akda ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931) na pinirmahan ni Duterte noong 2017. Nagbibigay ito ng libreng matrikula sa mga estudyante sa state universities and colleges, local universities and colleges a technical-vocational institutions (TVIs) na nasa ilalim ng TESDA.

Ang TVI ay nagbibigay ng non-degree programs na naghahanda sa mga technicians, paraprofessionals at iba pang middle-level workers.

Naging bahagi rin si Bertiz ng delegasyon ng Joint Crisis Management Team na tumulong sa repatriation ng may 110,000 overseas Filipino workers sa Middle East.

Ilan sa mga OFW na ito ay sumailalim sa re-tooling training education ng TESDA at nakakuha ng trabaho sa Australia, New Zealand, at Canada.

Ang ACTS-OFW partylist naman ay nagsasagawa ng skills training, resources, at peer mentoring sa mga tao na nais magkaroon ng kabuhayan sa tulong ng TESDA at Department of Labor and Employment.

Read more...