PTV-4 na-wow mali; Aguinaldo tinukoy na Bonifacio

HUMINGI ng paumanhin ang PTV-4 sa kapalpakan nito habang ipinalalabas nang live ang selebrasyon para sa ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa live airing ay ipinakita ang larawan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo pero ang pangalang nakasulat ay Andres Bonifacio.

Sa pahayag ng PTV-4, agad nilang naitama ang pagkakamali. Ia-upload din nito sa social media pages ng network ang corrected version.

Inanunsyo ng TV station na magsasagawa ito ng tranining at skills development para maiwasan ang kahalintulad na insidente. –Radyo Inquirer

Read more...