MARAMI umanong rapid testing kits para sa coronavirus disease ang pinayagang ibenta ng Food and Drug Administration kahit hindi pa naba-validate ang kahusayan nito.
Ayon kay AnaKalusugan Rep. Mike Defensor ilan sa mga testing kits na ito ay hindi aprubado ng bansa kung saan ito ginawa.
“Masyadong maraming inaprubahan kahit walang permit sa country of origin na mga rapid test kits. FDA has no capacity to test the reliability of RTK (rapid test kits) so it has to depend on its counterparts from overseas,” ani Defensor, chairman ng House committee on public accounts.
Umabot na umano sa 39 ang rapid test kits na pinayagan ng FDA na ibenta sa bansa. Sa mga ito 16 umano ang pinayagan ng FDA kahit walang approval mula sa regulatory agency ng bansa kung saan ito ginawa.
“Mass testing is crucial in determining how many people among the population have antibodies. RTKs are meant to augment the PCR test (polymerase chain reaction test) through sampling of population with or without illness to determine how many in the community have been exposed,” saad ni Defensor.
“It is important that the FDA regulate the RTK brands sold in the market to ensure equality and protect corporations and individuals using these products.”