NASAWI ng tatlo sa apat na preso na tumakas sa Masbate Sub-Provincial Jail.
Ayon sa pulisya, nanlaban umano ang mga pugante sa mga otoridad na nagkasa ng manhunt operation.
Ang apat ay may mga kasong panggagahasa, pagnanakaw at pagpatay.
Natuklasan ng mga jail guard na wala ang apat na preso nang magsagawa ng head count.
Hindi naman kinilala ang nasawi at hindi rin sinabi sa ulat kung nasakote ang ikaapat na pugante. –Radyo Inquirer
MOST READ
LATEST STORIES