16 OFWs binigyan ng royal pardon sa Bahrain

 

DOLE

LABING-anim na overseas Filipino workers ang nabigyan ng royal pardon sa Kingdom of Bahrain kamakailan.

Ayon sa Department of Labor and Employment ang 16 OFW ay kabilang sa 154 preso na binigyan ng pardon ni King Hamad bin lsa Al Khalifa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Eid Al-Fitr.

Sumulat si Pangulong Duterte kay King Hamad bin lsa Al Khalifa para magpasalamat.

“This act of humanity by His Majesty King Hamad Bin lsa Al Khalifa provides renewed hope and an opportunity for our countrymen and women to build new lives,” saad ng sulat ng Pangulo.

Ang mga binigyan ng pardon ay nahatulan sa kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot, pagpatay, tangkang pagpatay, prostitusyon, pagnanakaw at pakikipag-away.

Ang parusa na kanilang kinakaharap ay isang taong pagkakakulong hanggang bitay.

Labing-isa sa 16 ay napa-deport na sa bansa at inaayos na ang pag-uwi ng apat pa.

Ang nalalabing isa ay binigyan ng pardon sa kasong drug peddling pero mayroon pa siyang kinakaharap na pitong taong pagkakakulong sa kasong human trafficking.

Noong Mayo 20 ibinigay ang pardon.

Read more...