5 huli sa P1.7M shabu

Arrested

ARESTADO ang lima katao na nakuhanan umano ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng Quezon City Police District at Southern Police District kahapon sa Taguig City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Johanna Awil, 50, Rehanna Mohammad, 22, Rasul Tantong, 23, Joemar Abubakar, 26 at Mimit Dagadas, 32, mga residente ng Brgy. Upper Bicutan.

Isang poseur buyer umano ang nakabili sa mga suspek ng P400,000 halaga ng shabu alas-4:55 ng hapon sa parking area ng Arca South Estate, Sunshine Mall sa Brgy. Western Bicutan.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ang mga suspek ng 250 gramo ng shabu.

Ang mga suspek ay kasama sa drug data base ng pulisya.

Read more...