Duterte may 30 araw para aksyunan ang Anti-Terrorism bill–Roque

President Duterte

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nirerepaso na ng legal team ng Malacanang ang isinumiteng Anti-Terrorism bill ng Kongreso kung saan may 30 araw si Pangulong Duterte para aksyunan ito.

“Na-receive na po ‘yan ng Malacanang, ‘yan po ay pinag-aaralan na ng Malacanang Legal Office. At malalaman naman po natin within 30 days, kung ano ang magiging aksyon ng Presidente,” sabi ni Roque.

Ito’y sa harap naman ng mga batikos sa panukala matapos itong aprubahan ng Kongreso makaraang sertipikahan ni Duterte bilang urgent.

“Pupwede niyang pirmahan ‘yan within 30 days, pupwedeng walang gawin and it will lapse into law, pupwede niyang i-veto,” dagdag ni Roque.

Read more...