DUMATING si Mikee Quintos sa puntong tumigil muna sa pag-aaral habang nagti-taping noon para sa Kapuso series na “The Gift.”
“Di talaga ako nag-aral nu’ng time na ‘yon,” saad ni Mikee sa latest episode ng Shout Out Andre ni Andre Paras na napapanood sa kanyang YouTube channel.
Naging kundisyon ng ama’t ina ni Mikee nang payagan siyang pumasok sa showbiz na hindi hihinto sa pag-aaral.
Pinagsabay ng Kapuso artist ang showbiz at pagiging architecture student sa University of Santo Tomas kahit nahihirapan minsan.
“Iniisip ko nu’ng The Gift na baka biased lang ako mag-isip ngayon kasi happy ako, nagte-taping ako.
“Baka naunahan ko lang ang sarili ko na hindi ko na gustong mag-aral.
“Pero come January, okey naman. Nakapag-enroll ako, I started studying again, nami-miss ko mag-plate pero hind ako fully into it,” dagdag ni Mikee.
Sa kanyang ate siya nasabi ng dilemma na nararamdamam at kung paano niya sasabihin ito sa parents niya. Naging maliwanag kay Mikee ang naging payo ng nakatatandang kapatid.
“Doon ko naisip na it’s true na if it’s for you, it’s gonna happen. You just have to trust the process and trust God that He has a plan for you.
“Tapos hayun, na-excite uli akong mag-plate,” deklara ni Mikee.
* * *
Taos-puso ang pasasalamat ni Dear Uge star Eugene Domingo sa Kapuso Network dahil sa ibinibigay nitong pagkakataon sa kanya na makapagpasaya ng mga manonood.
Marami raw siyang natutunan sa ilang taon niyang pamamalagi sa GMA 7, “Ako ay natutuwa dahil bilang isang artista, lalo kong na-improve at na-develop ang talent ko bilang isang host dahil sa programang ibinigay ninyo sa akin.”
Mula raw Cool Center, Wachamakulit, Comedy Bar, Celebrity Bluff hanggang Dear Uge Presents na napapanood every Sunday, masaya si Eugene na hindi lang kasiyahan ang naibabahagi ng kanyang shows sa mga manonood kundi pati na rin kaalaman.
“Bukod sa marami tayong napapasaya ay informative din ang programa ng GMA,” anang aktres.
Isa lamang ang Dear Uge sa mga programa ni Uge na nakatanggap ng recognition at awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.
Kaya naman proudest Kapuso moment niya raw ay tuwing nare-recognize at nakakatanggap ng awards ang kanyang mga programa na dahilan daw kung bakit patuloy nilang pinagbubutihan ang kanilang trabaho.
“Pinagbubutihan po namin ang aming trabaho para mabigyan po namin kayo, ang mga televiewers at supporters, ng mga programang original, entertaining, and at the same time informative,” aniya pa.