Movie icon Anita Linda pumanaw na sa edad 95

Anita Linda

SUMAKABILANG-BUHAY na ang award-winning veteran actress na si Anita Linda. Siya ay 95 years old.

Ibinahagi ng direktor na si Adolf Alix  ang pagpanaw ng beteranang aktres, Alice Lake sa tunay na buhay, alas-6:15 ng umaga kanina, sa pamamagitan ng Instagram.

Ipinost ni Direk Adolf ang litrato nila ng yumaong aktres sa IG kasabay ng mensahe ng pakikiramay para sa lahat ng naulila nito.

“This is a very sad day for me. I am trembling as I am gathering my thoughts… 

“The great Anita Linda has passed away this morning at 6:15AM. Prayers for her soul. My condolences to her family and her children, Francesca Legaspi and Fred Osburn” caption ng direktor sa kanyang post.

Sa kanyang edad na 95, itinuturing si Anita Linda na pinakamatandang active actress sa local film industry.  Tumagal nang halos pitong dekada ang aktres sa showbiz industry.

Nagsimula ang kanyang pagiging aktres noong dekada 40, bago pa sumiklab ang World War II. Na-discover siya habang nanonood ng stage show sa Avenue Theater (na pinagbidahan ni Leopoldo Salcedo), ng legendary direktor na si Lamberto V. Avellana.

Bukod sa kanyang mga classic films naging bida rin siya sa mga award-winning Filipino movies tulad ng “Sisa” at “Ang Sawa sa Lumang Simboryo” ni Gerardo de Leon,  “Lola” ni Brillante Mendoza at “Presa” ni Adolfo Alix, Jr..

Read more...