Liza nag-sorry sa LizQuen fans: It breaks my heart…

WALANG nakabangkong episodes ang isa sa dahilan kung bakit hindi na rin ipinatuloy ng ABS-CBN ang teleseryeng “Make it with You” nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ito’y base na rin sa paliwanag ng isang taga-production. Ang ibang teleserye kasi ay nakapag-advance taping na meron pa silang pwedeng ipalabas habang inaayos ang taping para sa “new normal.”

Bukod dito ay napagdesisyunan din ng buong cast na hindi na ituloy ang journey nina Gabo at Billie (karakter nina Enrique at Liza) dahil sa COVID-19 pandemic para na rin sa kanilang kaligtasan.

Nabanggit kamakailan ni Liza na itutuloy niya ang online class niya habang wala pang advise kung kailan sila muling magte-taping ng “MIWY.”

Anyway, nitong Martes ng gabi ay nag-post si Liza ng candid shots ng buong cast ng “Make it with You” habang nasa location sila at pinasalamatan ang lahat ng mga nakatrabaho niya.

Ang caption niya sa mga nasabing larawan, “To all the solid followers of our show Make It With You.

“Thank you so much for embarking on the journey of Billie and Gabo. It breaks my heart to confirm that we will no longer be coming back to air. I know a lot of you are upset and looking for answers and the only explanation I can give you is genuine fear of the virus.

“When we were asked to resume taping on June 13, many of us had hesitations. Considering that the COVID-19 situation here in the Philippines is far from contained, there are many risks in place for me (and everyone involved) given my history of having a weak immune system.

“I consulted my family, my managers, and the team and we all came to an agreement that it might be for the best to not continue with the show anymore.

“That, along with many other factors are the reasons why MIWY will no longer continue. I’m sorry we won’t be able to give our audience the ending they deserve. Thank you and looking forward to our next adventure.”

Ilang araw nang nagpo-post ang supporters ng LizQuen na bakit hindi man lang daw binigyan ng magandang exit sina Gabo at Billie at basta na lang nawala sa ere.

Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat pa rin ang fans dahil nangako naman ang ABS-CBN na bibigyan ng bagong serye sina Liza at Quen.

Read more...