Factory worker inaresto sa pagbili ng nakaw na motorsiklo

ISANG factory worker ang inaresto ng pulisya dahil sa paggamit umano ng nakaw na motorsiklo sa Quezon City kahapon.

Si Randy Roxas, 39, ng Phase 2, Mapulang Lupa Pandi, Bulacan, ay nasakote alas-9 ng umaga sa parking area ng isang fast food store sa Kamias Road, Brgy. Kamias.

Ayon sa ulat ng pulisya, ninakaw ang motorsiklo ni Darwin Perez, 43, noong Hulyo 30, 2015 sa tapat ng Gold’s Gym sa Hemady st., Brgy. Mariana.

Kahapon ay nagpadala umano ng mensahe ang suspek sa Facebook ni Perez at sinabi na kailangan nitong mailipat ang pagmamay-ari sa motorsiklo.

Humingi ng tulong ang biktima sa otoridad at isang entrapment operation ang inilatag ng pulisya.

Matapos maberepika ang motorsiklo (NE 69177) ay inaresto na ang suspek.

Ayon kay Perez nabili niya ang motorsiklo online sa isang tao na hindi nito pinangalanan.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-fencing law o pagbili ng nakaw na gamit.

Read more...