Echague, Isabela nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon

NAITALA sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura sa bansa kahapon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration umabot sa 37.4 degrees Celsius ang naitala sa Echague.

Sa Tuguegarao City ay naitala naman ang 37.2 degrees Celsius.

Sumunod ang Camiling, Tarlac (36.7 degrees Celsius), Hacienda Luisita, Tarlac City (36.2 degrees Celsius) at Batac City (36 degrees Celsius).

Kahapon naitala naman ang pinakamataas na heat index o alinsangan sa Aparri, Cagayan at Sangley Point, Cavite City na kapwa nakapagtala ng 46 degrees Celsius.

Naitala naman ang heat index sa Dagupan City sa 45 degrees Celsius.

Pare-pareho namang naitala sa 44 degrees Celsius ang heat index sa Ambulong, Tanauan City; Iba, Zambales; Laoag City; at Legazpi City.

Read more...