Barbie, Kyline, Yasser handa nang magbalik-trabaho: Pero dapat super ingat pa rin

HANDANG-HANDA na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sakaling magbalik-taping na ang pinagbibidahang GMA series na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.”

“Lahat naman tayo nagri-risk para sa trabaho natin. Para sa akin, best defense sa ngayon sa COVID-19 ay malakas na resistensiya at healthy na pangangatawan,” pahayag ni Barbie. 

Pag-amin ng aktres, miss na niya ang mga kasamahan sa industriya, ang pag-arte, at ang naiwang trabaho bago ang ipinatupad na enhanced community quarantine.  

Pinag-usapan naman ang special make-up tutorial vlog ni Barbie bilang si Ginalyn na humihingi ng tawad sa nasaktang kaibigan na si Caitlyn (Kate Valdez).

 Bahagi ito ng special vlogs ng cast ng “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” ngayong Hunyo. Recently napanood naman ang reaction vlog ni Kate sa naunang vlog ni Barbie na tungkol naman sa mga ahas na kaibigan. 

Mapapanood ang special vlogs sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA Network at GMA Drama.

                             * * *

Sa Press Play video ni Kapuso PR Girl sa YouTube, sinagot ng “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” stars na sina Kyline Alcantara at Yasser Marta kung ano ang mga bagay na excited silang gawin at gusto nilang puntahan after ng quarantine. 

Paalala ng dalawa, dapat ay manatili pa ring maingat at bawasan ang paglabas para maiwasan ang COVID-19. 

“Siguro ngayon work lang, and then paminsan-minsan na lang ‘yung labas with friends, hindi na katulad nang dati na consciously you can just go out. 

“We all need to be more careful. Tulad ngayon, hindi dahil GCQ na ay lalabas na tayong lahat,” kuwento ni Kyline.

Para naman kay Yasser, pagmomotor ang na-miss niyang gawin, “For me naman, kahit hindi GCQ or ECQ, parang ito na rin ‘yung normal para sa akin.

“Sa bahay lang din ako madalas, mahilig lang ako mag Playstation, tapos ‘yung labas ko para sa gym lang. 

“Pero dahil mahilig ako mag-motor, nami-miss ko ‘yung madalas ako nagpupunta sa malalayong lugar kasi mahilig ako sa nature,” sabi pa ng Kapuso star.

Read more...