Panibagong 35,000 seafarers uuwi sa bansa

TINATAYANG  nasa 35,000 Pinoy  seafarers mula sa Amerika ang inaasahang uuwi ng Pilipinas.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na karamihan sa mga apektado ay nagtratrabaho sa mga cruise ships.

“Definitely po, since cruise ships stopped operating since March, marami po talaga about 31 to 35,000 ang pauwi sa bansa. So far, 22,198 Filipino seafarers were repatriated since the COVID-19 crisis started,” sabi ni  Arriola.

Tiniyak naman ni Arriola na makakauwi ng Pilipinas ang mga ito, ngunit dapat maghintay dahil sa limitado ang kapasidad ng airport sa Pilipinas.

Nasa 1,200 OFWs  lamang ang kayang i-accommodate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), samantalang nasa 600 OFWs ang inilaan sa Clark International Airport sa Pampanga, tatlong beses sa isang linggo.

“Kaunting pasensya lang po, pero tuloy-tuloy po ang pagpapauwi natin. Tuloy-tuloy po ang repatriation,”  ani Arriola.

Read more...