59 Muslim groups tutol sa anti-terror bill

NAGSAMA-SAMA ang Anak Mindanao partylist at 58 iba pang civil society groups upang tutulan ang anti-terrorism bill na ipinasa ng Kongreso kamakailan.

Nagpahayag ng pangamba ang Anak Mindanao (AMIN) na dumami ng mga insidente ng “Islamophobia” sa bansa kapag naisabatas ang panukala.

“Kahit makasalubong ka lang sa kalye ng isang pulis, maaari ka na niyang damputin at ipakulong for as long as 24 days just by invoking this law. And who knows what could happen to you in those 24 days? That is how dangerous ATB is. It is like legalizing indiscriminate firing: no one is safe, and we, the Muslims, are the easiest of preys,” ani AMIN Rep. Amihilda Sangcopan.

Si Sangcopan ay isa sa mga kongresista na bumoto laban sa ATB sa ikatlo at huling pagbasa nito sa Kamara de Representantes.

“While we, the Moros, strongly condemn all forms of terrorism imaginable to man, we also fervently believe that the ATB is not the answer to curb it. In fact, the ATB will just incite more people to resort to violence as it increases the reach of the already heavy-handed military and police forces. This is why we are calling for the junking of the ATB. We call for the stop of this legislation now,” dagdag pa ni Sangcopan.

Pumirma rin siya sa Unity Statement laban sa ATB.

“Hindi lingid sa kaalaman ng nakararaming mamamayan ng bansang ito kung paano tratuhin ang aming mga komunidad pagdating sa usapin ng terorismo. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na makita lamang ang isang mama na nakasuot ng itim na turban at may mahabng balbas, kami ay pinagkakamalan ng terorista,” saad ng pahayag.

“Makita lamang ang aming kababaihan na nakasuot ng abaya o and itim na kasuotang sinusuot ng ating kababaihan, sa kanila ito’y supporter o ang asawa ng terorista. Makarinig lamang ng salitang Allahu Akbar na ang ibig sabihin ay (God is Great), takot na ang mga tao at kagyat na iisipin na ikaw ay terorista. Samakatuwid, naging napakadaling ikabit ang salitang terorista sa ating mga Muslim.”

Sinabi ni Engr. Nassif Malawan, pangulo ng Metro Manila Muslim Traders Association na kabilang sa civic organization na tutol sa ATB, na ang mga Muslim ay naging biktima na ng maraming pang-aabuso.

“We have been profiled, humiliated and discriminated upon just by looking at our turbans and beards. They call our women ‘wives of terrorists’ because of their black abayas and hijabs. But if truth be told, we, the Muslims are the first casualties of terrorism,” ani Malawan.

“Many of us have dodged bullets as we flee our homes because of wars we know nothing about. We have been bombed, burned and killed. We have heard enough horror stories of tortures and deaths in the hands of soldiers and cops. Kulang pa ba ang pagpapahirap sa amin kung kaya’t isinusulong ang Anti-Terror Bill na ito?”

Read more...