PWEDENG angkinin ng pamahalaan ang mga pag-aari ng China sa bansa sa ginawa nitong “pagwasak” sa mga isla ng Pilipinas, ayon kay dating DFA Secretary Albert del Rosario.
“China inflicted the most massive, near-permanent and devastating destruction of the marine wealth belonging to Filipinos in the West Philippine Sea,” aniya. “In other words, China is enormously accountable and owes Filipinos billions of pesos for its continuing abuses in the West Philippine Sea.”
Dalawa sa mga pag-aaring ito, ani del Rosario, ang mga interes ng China sa National Grid Corporation of the Philippines at DITO Telecommunity.
Mayroong 40 porsyentong interes ang China sa National Grid Corp., habang partner ang China Telecom sa DITO.
Ayon sa pag-aaral, aabot sa 1,850 ektarya ang “nasira” ng China sa ginawa nitong pagtatayo ng mga gusali sa Scarborough Shoal at Spratly Islands o P33.1 bilyon kada taon na “danyos” sa Pilipinas.
“This sums up to more than P231 billion since the start of 2014. China refuses to pay its debt to the Filipino people. How will we make China pay? It is time for Filipinos to unite and demand what is due from China,” aniya pa.