Claims sa Cocolife

DEAR Aksyon Line,
MAGANDANG araw po sa inyo at sa lahat ng staff ng Bandera
Aksyon Line.
Ako ay isang tagahanga ng inyong column. Sumulat ako sa inyo para magpatulong sana sa aking claim na Certificate of group Life Insurance no. 256596 ng aking nanay na si Enenaria H. Evardo (deceased) na pinadala ko sa Cocolife Claim Department, 6807 Ayala Avenue, Makati City 1226, noong May 2012. Gusto ko pong malaman kung anong nangyari sa nasabing “claim” kung makatanggap ba ako ng bayad? Umaasa po ako sa inyong tulong at maraming salamat.
Gumagalang,
Feliciana Rafal c/o Fidelito’s Store Sta. Cruz Roxas Ave.
Isabela City, Basilan

REPLY: Inilapit po ng Aksyon Line sa Cocolife ang inyong concern, at narito po ang kanilang tugon:
Insured: EVARDO, ENENARIA H. Cert No. 256596.
Dear Ma’am,
Maraming salamat po sa inyong pagliham sa pamamagitan ng Inquirer Bandera na inilapit ni Ms. Liza Soriano.
Base po sa aming pagsusuri, ang kinakailangan na lamang po ay maisumite ninyo kahit ang photo copy ng balidong identification ni Benita, ang inyong ina, at ipadala sa Cocolife claims department, 6807 Ayala Ave, Makati.
Sakali po na maipadala na ninyo, ito ay agad po naming ipa-process para ma-avail na ang claim. Ang Cocolife ay nagpadala na rin po ng replied letter na nag-aabiso para sa kulang na requirement.
Maraming salamat po.
If you have any question, please call us at telephone nos: 812-9015 local 118 or 812-9038. We look forward to being of service to you. Thank you.
Very truly yours,
ARVIN
CABARRUBIAS
Claims Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...