Dagdag na P1K SSS pension ibigay na

UMAPELA si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Duterte na utusan ang Social Security System na ilabas na ang nakabinbing P1,000 dagdag pensyon ng mga retiradong miyembro nito.

Sa inihaing House Resolution 957, sinabi ni Rodriguez na noon pang 2017 naipangako ang dagdag na P2,000 sa pensyon pero kalahati pa lamang ang naibibigay nito.

Ayon kay Rodriguez bukod sa pahayag ni Pangulong Duterte ay inaprubahan ng nakaraang Kongreso ang pagbibigay ng P2,000 pensyon—ang unang P1,000 ay ibinigay noong Enero 2017 at ang ikalawa ay dapat nagsimula noong Enero 2019.

“Until the present, the second tranche has yet to be approved and released. The additional P1,000 will be a big help to our pensioners, especially during this Covid-19 pandemic. Pensioners are appealing for its release, saying they would use it to buy medicines,” paliwanag ni Rodriguez.

Ayon sa solon walang miyembro ng SSS na nakatanggap ng tulong sa ilalim ng social amelioration program ng gobyerno.

“They have to be helped, especially SSS pensioners, many of whom get less than P5,000 a month.. They need the P1,000 increase,” dagdag pa ng solon.

Sumulat na si Rodriguez kay Duterte upang iparating ang apela ng kanyang mga constituents.

Read more...