Meralco may bawas singil ngayong Hunyo

Meralco

BUMABA ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company.

Ayon sa Meralco mula sa P8.7468 kada kiloWatt hour noong nakaraang buwan ang singil nito ay bababa sa P8.7252/kWh ngayong Hunyo.

Ito ay nangangahulugan ng P0.0216/kWh o P4 pagbaba sa singil nang gumagamit ng 200kWh kada buwan.

Ang presyo ngayong buwan ay mas mababa rin sa P10.0918/kWh singil noong Hunyo 2019 at ang pinakamababang singil simula Pebrero 2018.

Ang pagbaba ay bunsod ng mas mababang presyo ng generation charge na bumaba ng P0.0435 o P4.3848/kWh noong Mayo ay naging P4.3413/kWh ngayong buwan.

Muling ginamit ng Meralco ang Force Majeure provision sa Power Supply Agreements (PSAs) upang mapababa ang generation charge. Ngayong Hunyo ang Force Majeure claim ng Meralco ay P614 milyon na katumbas ng P0.2208/kWh.

Kung wala ang FM claims, ang generation charge ay tataas ng 18 sentimos noong Mayo at 24 sentimos ngayong buwan.

Sa nakaraang tatlong buwan ang nabawas sa bayarin ay P1.6 bilyon.

Bumaba rin ang Independent Power Producers (IPPs) ng P0.2334/kWh.

Tumaas naman ang singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng P0.3132/kWh dahil sa pagkasira ng mga planta.

Ang iba pang singilin sa kuryente ay tumaas naman ng P0.0219/kWh kasama na dito ang P0.0495/kWh Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All).

Read more...