Viral na: Aktres na-expose raw sa PUM, nagwala sa hotel?

HOT topic ngayon sa social media ang video ng isang babaeng galit na galit habang pinagmumumura ang staff ng isang hotel.

Sa video na in-upload ng isang netizen sa Facebook, makikita ang babaeng naka-white shirt, may suot na sunglasses, face mask at plastic gloves.

Nangyari raw ang insidente dakong alas-3 nang hapon sa administration office ng isang hotel sa Makati noong May 22.

Hindi masyadong kita ang mukha ng babae pero ayon sa nag-upload ng video at sa comments ng netizens, ang babae umano ay ang character actress na si Pinky Amador base na rin sa boses nito.

Sa unang bahagi ng viral video ay maririnig ang babae na nanggagalaiti sa galit at sinisigawan ang staff ng hotel dahil na-expose raw siya sa Persons Under Monitoring (PUM) at posible siyang mahawa kung positibo ang mga ito sa COVID-19.

Inirereklamo rin niya ang pagka-delay ng hinihingi niyang circular (tungkol sa mga OFW na naka-stay sa hotel) na hindi raw na-print ng hotel staff. Tatlong linggo na umano niyang hinihingi ito na hindi rin naipapaskil sa elevator ng building.

Makikita rin sa video na itinulak ng babae ang isang computer monitor ng hotel habang sinasabihan ng boba ang kausap na hotel employee. Tinangka siyang awatin ng isa pang staff pero wala itong nagawa.

Sabi ng nagwawalang babae, “You are accepting OFWs here with no testing results. Sino? Put**** mo! Gawin mo ngayon ‘yan, hindi ako aalis dito!

Put**** mo, pag ako nagkasakit, babayaran mo ba pang-ospital ko? Tagalan mo pa, put**** mo, kakaladkarin kita dito!” sabi ng babae sa video.

Sagot naman ng kausap nito, “Ma’am, wala po kayong karapatan, Ma’am…Huwag niyo po akong mumurahin, Ma’am…”

Sabad ng babae, “Mumurahin kita dahil buhay ko ang nakasalalay dito! Mga sinungaling kayo!”

“You do it right now. You do it right now. I have been asking you.”

“Alam n’yo bang na-expose ako sa dalawang PUM. Na-inform lang ako dahil mayroon akong put****** CCTV. Ikaw dedemandahin ko diyan,” ang galit na galit pang sabi nito.

May isang lalaking staff naman ang kumausap kay sa babae at sinabing tumawag na lang sa administration ng hotel, “Relax lang muna kayo, Ma’am.”

Hirit naman ng babae, “Hindi ako magre-relax dahil ako ay na-expose, kayo hindi!”

Na sinagot naman ng lalaki ng, “Huwag na lang po kayo manira ng gamit, Ma’am.”

Sagot ng babae, “Hindi ako naninira, put***** ina, buhay ko, kaya niyong bayaran? Na-expose ako, di ba? Pa-relax-relax pa ‘to, sapakin kita, e.”

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nagsasalita si Pinky Amador para kumpirmahin o idenay kung siya nga ang babaeng nasa video kaya hintayin muna natin ang kanyang magiging paliwanag. Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ng aktres 

Read more...