Kagawad rumaket sa shabu, timbog

SHOOT sa kulungan ang barangay kagawad makaraang maaresto sa buy bust operation sa Bais City, Negros Oriental kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA RO7), nasakote si Romel Dy Resente, 46, ng Brgy. Looc alas-8:20.

Nakuha sa suspek, manager rin ng motorcycle parts store, ang dalawang gramo ng shabu, kalibre-.45 pistola, magazine na kargado ng limang bala, at ang buy bust money.

Nakatakda siyang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591. 

Read more...