Magkaangkas na walang helmet, nahulihan ng shabu

HINULI ng pulisya ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo at nakuhanan umano ng shabu sa checkpoint sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Joseph Canlas, 28, at Mark Paul Anthony Olanka, 28, mga residente ng Brgy. Pasong Tamo.

Dumaan umano ang mga suspek sa quarantine control point sa Old Cabuyao Road, Brgy. Sauyo, Novaliches, alas-6 ng gabi.

Wala umanong suot na helmet ang mga suspek at lumabag sa health protocol na nagbabawal sa magka-angkas sa motorsiklo.

Nang hiningi ang lisensya ay napansin umano ng mga pulis na naging aligaga ang dalawa at nagtangka pang tumakas pero napigilan.

Nakuha umano sa mga suspek ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500.

Read more...