NAITALA sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura kahapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naitala ito sa 38.4 degrees Celsius.
Sumunod naman ang San Jose, Occidental Mindoro na naitala sa 38 degrees Celsius.
Sa Tuguegarao City ay 37.5 degrees Celsius ang naitala.
Parehong 37.1 degrees Celsius naman sa Camiling, Tarlac at Clark Pampanga.
Ngayong taon ang pinakamataas na temperatura na naitala ay 41.2 degrees Celsius sa Echague, Isabela noong Mayo 11.
Sa kasaysayan ang pinakamataas na temperatura na naitala ay 42.2 degrees Celsius na naitala sa Tuguegarao noong Abril 22, 1912 at Mayo 11, 1969.
MOST READ
LATEST STORIES