Presyo ng Lotto bababa sa P20

BABABA ang presyo ng lotto kapag pinayagan na itong muling ibola.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office mula sa P24 kada anim na numerong kombinasyon, ang presyo ay ibabalik sa P20.

Kasama na sa P20 ang documentary tax nito.

Dalawang taon na ang nakakaraan ay itinaas sa P24 ang taya sa lotto matapos itong patawan ng buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Ayon kay PCSO General Manger Royina Garma may pagbabago rin sa halaga ng mga consolation prizes.

“Except for jackpot prize, ‘yung other consolation prizes po, kung ano po ‘yung amount sa consolation prize ‘yun din po ang matatanggap ng ating mananaya,” ani Garma sa panayam sa radyo.

Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force kung maaari ng buksan muli ang palaro ng PCSO.

Binawasan din ng PCSO ang investment requirement sa mga nais magtayo ng lotto outlet.

Ang cash bond required sa Metro Manila ay P300,000, P200,000 sa siyudad at P100,000 sa mga munisipyo.

Mula ng isara, umabot na sa P12 bilyon hanggang P13 bilyon ang nawalang kita sa PCSO. Nasa 7,000 lotto agents at 220,000 small town lottery operators ang naapektuhan ng pagsasara ng operasyon ng palaro.

Read more...