Rhian nahilig sa talong dahil sa ECQ; Rocco rumaket bilang construction worker

Roco-Rhian

MALAKI ang naitulong ng internet at technology kay “Love Of My Life” star Rhian Ramos para mas maging productive at mapabuti ang sarili habang naka-quarantine. 

Sa kanyang latest YouTube vlog, inilista ni Rhian ang mga bagay na kanyang natutunan mula sa internet kahit stuck at home siya.

 Unang-una na riyan ay ang home workouts na hindi kinakailangan ng gym equipment. 

Ani Rhian, importante ang pagpapanatili ng healthy at fit body lalo ngayon na may lumalaganap na virus na hanggang ngayon ay nananatiling banta sa buong mundo.

Bukod sa exercise, marami rin natutunang healthy recipes si Rhian online at pag-amin pa niya ay nakakahiligan niya ngayon ang paglalagay ng talong sa kanyang dishes.

 

Isa sa pinaka-importante raw na tulong ng technology at social media sa panahon ng quarantine ay ang paglalapit nito sa ating mga mahal sa buhay na hindi natin makapiling. 

“Buti na lang may technology tayo nowadays para mapadali yung learning and adjusting period natin. Let’s use technology to stay connected with our loved ones and with the outside world. 

“Gamitin natin ito to spread positivity wherever we can. Let’s encourage each other even from afar,” chika ng Kapuso actress.

                            * * *

Sa latest Instagram video ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, mapapanood ang ginawa niyang pagtulong sa pag-aayos ng kanyang bahay. 

Nakalipat na sana ang “Descendants of the Sun” actor sa kanyang bagong bahay ngayong taon ngunit naudlot ito bunsod ng COVID-19 pandemic. 

Sa video, makikitang tumutulong siya sa paglalagay ng tiles sa facade ng kanyang bahay. Nagpasya siyang tulungan ang nag-iisang construction worker na gumagawa sa kanyang bahay para mapabilis ang trabaho at pag-aayos nito. 

Pinasilip din ni Rocco ang ipinapatayong bahay sa kanyang fans kung saan ipinakita niya ang kanyang game room, patio, office, master bedroom at ang ensuite toilet and bath.

Read more...