63-anyos naaktuhang gumagamit ng shabu

KALABOSO ang 63-anyos na lalaki na naaktuhan umano habang gumagamit ng shabu sa Quezon City kanina.

Naaresto si Enrique Austria, ng Brgy. San Jose alas-12 ng hatinggabi sa Tendido St. Brgy. San Jose.

Isang tip ang natanggap ng pulisya kaugnay ng lalaki na gumagamit umano ng shabu sa isang bahay. Pagdating ng mga pulis ay naaktuhan umano si Austria.

Nasakote naman ng Talipapa Police sa buy-bust operation si Oliver Cabatingan, 39, ng Brgy. Tandang Sora alas-7:15 kagabi sa Upper Banlat st. Brgy. Tandang Sora.

Narekober umano sa kanya ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Read more...